Saturday, January 26, 2008

Bakit sya...

bakit sya?
hmmm... di ko alam
siguro sa tingin ko
sya yung nararapat sa'kin
sa tingin ko
tugma sa mga hinahanap ko-
simple lang
madaling kausapin
masarap pakinggan
nauunawaan nya topak ko
napapagtiyagaan akong kausap

bakit di yung iba?
mas maraming namang 'mas' pa sa kanya.
siguro
di ko kailangan yung 'mas' na yun
aanhin ko yun
kung di naman kami magkasundo
komportable na kasi ako sa kanya
kahit anong mood ko nasasakyan nya
simple lang ang buhay,
wag na nating gawing kumplikado
dahil sa mga 'mas' na yan.
oo nga lamang yung iba
sa ganda at porma
at nakakatempt sila
pero,
sa choice ko wala silang panama

masaya naman ako
sa mga katangian nya
ayos lang naman sa kin
ang kabuuan nya
pag kasama ko sya,
dun lumalabas ang
tunay na ako.
di ko na kailangan magkunwari pa...
pwede akong magbiro,
at natatawa naman sya.
pwede rin akong magseryoso,
nakikinig pa rin sya.
kahit anong bagay
napapag-usapan namin...
minsan malalim,
madalas mababaw lang

so, lagi kayong ok?
hindi naman
may mga instances na
nagtatampo siya...
ayaw magresponse,
kung sasagot man, matagal
nakakatakot para sa kin yun.
kasi di ko alam kung
may nagawa akong mali
o baka naman nagtampo
dahil may di ako nagawa
o baka may nasagot akong
di nya nagustuhan

mahirap talagang sagutin
o ipaliwanag kung bakit sya
ang gusto ko.
ang alam ko lang
mahal ko sya kung ano man sya
at kung anong meron sya
mahal ko pa rin sya sa mga
bagay na hindi sya.
masaya ako kasama sya
di ko namamalayan
ang paglipas ng oras
kung kami lang dalawa magkasama.

AKO AT ANG AKING LAPTOP.